Verse 1:
Hanggang kailan kaya
mananatiling takot ang pusong
kay tagal ng nakalaya?
Kailan kaya muling bubuksan
muling magmamahal
ang pusong kay tagal ng nilisan?
Verse 2:
Hanggang kailan kaya
maghihintay ng tamang panahon?
Upang maging handa
ang pusong magmahal at umasa
sa tunay na pag-ibig
O kailan kaya darating?
Chorus:
Tila hindi mawari kung anong dahilan
Bakit ang puso ay patuloy na nasasaktan?
Kahit kay tagal ng nilimot
alaalang kay lungkot
Kay hirap kalimutan
May panibagong pag-ibig
Kumakatok sa aking puso
Hihiling na sana'y pagbigyan ang damdamin
Ngunit ako'y may alinlangan
Takot na sya'y lumisan
Takot ng masaktan
Bridge:
Kailan nga ba ang tamang panahon?
Mag-aantay pa ba habang panahon?
Darating nga ba tamang pagkakataon
Kailan kaya matutong magmahal na muli?
Composed by: Krystle Calimbas
Tuesday, July 14, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment